Click here if you can’t see the embedded video.
Thanks for watching!
We welcome your questions and feedback.
Bernadette Laxamana’s Mortgage Blog – Tagalog Version
You can comment on this blog here.
Gusto mo bang yumaman?
Ano ba ang ibig sabihin ng yaman? Ang talagang measurement ng yaman ay tinatawag nating Net Worth. Net worth is equal to wealth. Ang formula ng net worth ay ito:
Net Worth or Wealth = Assets minus Liabilities.
Ang iyong bahay, stocks, RRSP, savings, TFSA, Term deposit, bonds, cash value ng ating insurance..lahat ng yan ay assets. Puwede rin ninyong idagdag ang kotse at alahas. Liabilities naman ay lahat ng inyong utang sa credit card, mortgage, line of credit, overdraft, RRSP loan, car loan. Mas malaki ang assets or mas mababa ang liabilities but mataas ang net worth ninyo. Yan ang measure ng inyong yaman.
Ang focus natin ngayon ay yung pinamalaki ninyong asset at liability. Ang bahay ninyo at ang inyong mortgage. Pag nabili na ninyo ang inyong bahay, puwede baninyong maimpluwensiyahan ang value nito ng walang renovation? No. Ang future value ng inyong bahay ay nasasa kamay ng market, ng economy, ng improvements sa inyong area ng city. Lahat yan wala kayong control.
Eh yung inyong mortgage may impluwensiya ba kayo doon? Yes na yes! Pero the only way na ma-iimpluwensiyahan nyo yan ay through hardwork at management.
Minsan masyado kayong nag-fofocus sa interes. Tandaan ninyo, ang interest ay pang-attract lamang para masilo kayo ng bangko or financial institution. Ang pinaka importante ay kung magkanong interest ang babayaran ninyo sa loob ng 3 years or 5 years or kung anuman ang term ng inyong mortgage at higit sa lahat…magkano ang inyong balanse pag nagmature ang inyong mortgage at kailangan ninyo ulit na mag-renew. Samantalang iyon ang pinaka importante.
Hindi ko sinasasabing hindi importante ang interest rate. Pero dapat malaman mo na hindi iyon ang whole story. Merong mga kliyente ako na mas malaki ang nabayaran nila sa kanilang mortgage dahil inayos nila ang kanilang cash flow. Tandaan ninyo ang exposure and risk ninyo sa interest rate ay bumababa each time na binabawsan ninyo ang inyong principal.
Gusto mo bang yumaman? Sa palagay mo ba pag nakakuha ka ng mortgage na mas mababa by .10% or maybe $10-$20 per month ay lalaki ng iyong Net worth? No way!
The best way na yumaman ka ay for you to set a goal, manage your cash flow, plan and work hard on rapid debt repayment. Paano mo ba mababayaran ng mabilis ang iyong mortgage?
Here are my best tips and advise:
1> Lahat ng mortgage merong pre-payment privilege at accelerate payment option. I-take advantage ninyo yon. Pag kumuha kayo ng accelerated bi-weekly payment, increase your payment by 15% every year, or make one extra double payment every year. Minus 3 years yon sa inyong amortization. Imagine 3 years na walang mortgage payment. Yung $2000 per month ang inyong mortgage payment, that’s a savings of $72,000! Idagdag ninyo yon sa inyong assets, tataas ang inyong net worth
2> Kung meron kayong variable rate mortgage. Dapat ang monthly payment ninyo naka set-up as if nag-babayad kayo ng fixed rate mortgage. Rapid repayment talaga yon, mas malaki ang pumupunta ngayon sa inyong principal.
3> Annual review. Ang mga taong merong mga stocks or GIC palagi nilang ni-rereview yong sometimes more than once a year. Pero hindi nila ni-review ang kanilang mortgage taun-taon. Dapat every year i-review ninyo ang inyong mortgage para ma-maximize ninyo ang inyong potential savings at cash flow. Tignan ninyo kung meron kayong equity para mag-consolidate, or mag-increase ng RRSP or investments, upgrade or purchase another property. Let your equity work for you. Diba ang financial status ninyo puwedeng mag-change every year? Bakit hindi ninyo pag-aralan yon in conjunction with yor mortgage and check if on track pa rin kayo with your financial plan?
Ang mga suggestion ko ay hindi get rich schemes, pero lahat ng yan ay puwedeng makatulong sa inyo para lumaki ang inyong equity or net worth. As a result lalaki ang inyong yaman.
Lahat ng libro about making money e.g. The Richest Man in Babylon, Millionaire Next Door and David’s Bach’s various books about Finishing Rich ay iisa ang theme, getting rich = working hard, saving more than what we spend and burning our debt. Binigyan ko kayo ng tips pero the rest of the work is up to you.
Tandaan ninyo, hindi ninyo ma-iinfluence ang value ng inyong bahay. Pero makokontrol ninyo ang inyong pinaka-malaking utang para ma-improve ang inyong net worth para maging mas mayaman kayo over time.
There’s money in your mortgage, when you go home, I suggest you find it!
Thanks for reading!
We welcome your questions and feedback.
Bernadette Laxamana’s Mortgage Blog – Tagalog Version
You can comment on this blog here.
